Chinese visitors, No. 2 top drawer ng Philippine tourism – DOT

Pangalawa ang Chinese tourists sa usapin ng pinakamaraming banyaga na bumibisita sa bansa, ayon sa Department of Tourism (DOT).

Sa pagbabahagi ni Tourism Sec. Christina Frasco, sinabi nito na bago tumama ang pandemya dulot ng COVID 19, halos 1.8 milyong Chinese nationals ang bumibisita sa bansa kada taon.

Pinakamarami sa mga bumibisita sa Pilipinas ay mamamayan ng South Korea.

“Prior to the pandemic, China was our country’s second top source market ranking close next to South Korea. In 2019 alone, 1,743, 309 million Chinese have visited our country,” banggit pa ni Frasco.

Aniya ang mataas na bilang ay pagpapatunay ng magandang relasyon ng Pilipinas at China.

Ginawa ng kalihim ang pahayag kaugnay sa isyu na inilagay ng China sa ‘blacklist’ ng tourists destinations para sa kanilang mamamayan ang Pilipinas bunga ng mga krimen na kinasasangkutan ng Chinese workers sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs).

Itinanggi naman na ito ng Chinese Embassy at sinabi na ‘misinformation’ ang pag-blacklist ng kanilang gobyerno sa China.

Read more...