Metro Manila mayors, NCRPO chief nagkasa ng security meeting

PIO NCRPO PHOTO

Nakipagpulong si National Capital Region Police Office (NCRPO) director, Brigadier General Jonnel Estomo sa mga alkalde ng Metro Manila para mga isyung pang-seguridad sa kapitolyong rehiyon ng bansa.

Pinamunuan ni Estomo ang Regional Peace and Order Council meeting sa Hinirang Hall sa Camp Bagong Diwa.

Kabilang din sa mga dumalo sa pulong si BGen. Marcelino Teofilo, commander ng JTF-NCR at mga kinatawan mula sa DDB, DOTr, DOJ-NPS, Bureau of Customs, Bureau of Immigration, BFP, NAPOLCOM, BJMP, PCG-CGD- NCR-CL, LTFRB, LTO, NBI DOH, DSWD, CHED, TESDA, DENR, DPWH, at DTI.

Nailatag sa pulong ang lahat ng alahanin na may kinalaman sa kampaniya kontra krimen, seguridad, kaayusan at kapayapaan sa Kalakhang Maynila.

Iniulat naman ni Estomo ang pagbaba ng crime rate sa Kalakhang Maynila mula nitong Hulyo hanggang Setyembre.

“We vow to continue intensifying our campaign not only against all forms of criminality but also on terrorism, illegal drugs and corruption in accordance with the Chief, PNP’s Peace and Security Framework dubbed as Malasakit, Kaayusan, Kapayapaan tungo sa Kaunlaran (M+K+K=K) program,” ani Estomo.

Read more...