Tensyon sa Negros Oriental natapos sa pagbaba ni Gov. Henry Teves

Inanunsiyo ni Interior Secretary Benhur Abalos na bumaba na sa puwesto si Henry Teves sa Kapitolyo ng Negros Oriental bilang pagkilala kay Roel Degamo bilang gobernador ng lalawigan. Ayon kay Abalos nagpapasalamat siya sa mapayapang naging wakas ng  agawan sa puwesto. Kinilala na ni Teves ang proklamasyon ng Commission on Elections (Comelec) kay Degamo bilang halal na gobernador. Pinuri ng kalihin sina DILG-7 Regional Director Leocadio Trovela at Provincial Director Farah Gentuya  sa naging maayos na negosasyon at para sa maayos na pagpalit ng liderato. Gayundin kay Dumaguete City Mayor Felipe Antonio Remollo sa mahalagang papel nito sa komunikasyon nina Teves at Degamo. Apila lang ni Abalos sa dalawang kampo na isantabi na ang pulitika para sa maayos na pagbibigay serbisyo sa mamamayan.

Read more...