13 obrero huli sa shabu session sa Army headquarters

Natimbog ang 13 construction workers na hindi natakot tumira ng droga sa loob mismo ng kampo ng Philippine Army sa Fort Bonifacio, Taguig City. Nakuha sa operasyon ang ilang pakete ng shabu na nagkakahalaga ng P88,000. Ikinasa ang buy-bust operation sa loob ng construction site sa Headquarters Philippine Army. Inamin ng isa sa mga naaresto na ambagan sila sa pagbili ng droga at tumitira sila ng shabu para maging alerto at aktibo sa pagta-trabaho. Bago ito, isang buwan na nagsagawa ng surveillance operations sa drug den ng mga obrero. Mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga naaresto.

Read more...