PNoy nagpasalamat at nagpaalam na sa Presidential Airlift Wing

Presidential airlift wing
Inquirer file photo

Pinasalamatan at nagpaalam na si Pangulong Noynoy Aquino sa mga opisyal at miyembro ng Presidential Airlift Wing sa serbisyo na ibinigay nito sa kanyang administrasyon.

Ginawa ito ng Pangulo sa okasyon ng pagpapakuha ng larawan kasama ang mga bumubuo ng Presidential Airlift Wing sa Rizal Hall ng palasyo ng Malacañang.

Sinabi ni Aquino na sa lahat ng lugar na kanyang pinuntahan tulad ng kaguluhan sa Zamboanga, lindol sa Bohol at sa mga sinalanta ng bagyong Yolanda ay wala siyang mairereklamo sa serbisyong natanggap mula sa mga dati at kasalukuyang Wing Commanders nito.

Ayon kay PNoy, kapuri puri ang pagiging reliable at dependable ng kanilang pwersa at umaasa siya na ipagpapatuloy nito ang magandang paglilingkod sa bayan.

Panghuling sinabi ng Pangulo na mula sa lahat ng miyembro ng kanyang pamahalaan na pinagkalooban ng grupo ng magandang serbisyo ay ipinarating niya ang kanyang taos puso pasasalamat sa Presidential Airlift Wing.

Read more...