Definition ng “drug den” gustong palawakin sa Kamara

Drug den
Inquirer file photo

Sa pagpapatuloy ng  joint committee meeting ng House Committees on Youth and Sports Development, Metro Manila Development at Dangerous Drugs, inirekomenda na lawakan ang depinisyon ng salitang “drug den”.

Ito ay kasunod ng pagkamatay ng limang kabataan sa Close-Up Forever Summer party sa SM MOA concert grounds matapos na gumamit umano ng green amore na itinuturong dahilan ng pagkasawi ng mga biktimang partygoers.

Ayon kay Pangasinan Rep. Leopoldo Bataoil, OIC ng Dangerous Drugs Committee sa Kamara, hindi na dapat nalilimita ang “drug den” sa mga tagong lugar tulad kung saan nagsasagawa ng paggamit, bentahan at distribusyon ng droga.

Binigyang diin ng mambabatas na dati ring opisyal ng Philippine National Police na lantaran na rin itong nangyayari sa events at parties ng mga kabataan na siyang dapat na bantayan ng mga otoridad.

Umaasa naman si Bataoil na sa papasok na 17th Congress ay maikukunsidera ito at mas mapapaigting ng Duterte administration ang kampanya laban sa droga lalo’t kilalang kontra dito ang bagong Pangulo.

Read more...