Pinaniniwalaan na ang kinain na lumpia ang ugat nang sabay-sabay na pagkakasakit ng 88 estudyante at anim na guro sa Sablayan, Occidental Mindoro kamakalawa.
Sa impormasyon mula sa Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), ang mga biktima ay estudyante at guro ng San Francisco Elementary School.
Nabatid na kumain ang mga biktima ng lumpia na binili sa labas ng eskuwelahan, Lunes ng umaga at kasunod nito ay dumaing na sila ng pagkahilo at pagsusuka.
Nakipag-ugnayan naman ang pamunuan ng paaralan sa mga lokal na awtoridad upang agad na madala sa mga pagamutan ang mga biktima.
May 22 pa ang nananatili sa ospital at ang iba naman ay nakauwi na.
Marami naman sa biktimang estudyante ay Grades 4 – 6.
MOST READ
LATEST STORIES