10,000 pulis ipapakalat sa Metro Manila para sa Undas 2023

Manila PIO photo

Nakahanda na ang 10,000 pulis na magbabantay sa Metro Manila sa paggunita ng Araw ng mga Patay ngayon taon.

Ayon kay NCRPO spokesman, Police Lt. Col. Dexter Verzola, kasama ng mga pulis na magbabantay ang mga barangay tanod at mga miyembro ng ibat-ibang civic organizations.

Sinabi pa nito na ang pagpapakalat ng mga pulis ay sisimulan sa bisperas ng Todos los Santos, sa lahat ng mga pampubliko at pribadong libingan.

Bukod dito, ang mga pulis ay magsasagawa din ng preventive patrol operations at anti-criminality operations.

Maglalagay din ng mga police assistance desks (PADs) sa mga pampublikong lugar para makatulong sa mga pasahero at motorista.

May mga police assistance centers din sa loob at labas ng mga libingan para naman sa pagpapanatili ng kaayusan at kapayapaan, gayundin para matiyak na masusunod pa rin ang minimum health protocols.

Read more...