Tutok to Win Partylist Rep. Sam Verzosa nagbigay-tulong sa Sampaloc fire victims

TUTOK TO WIN FB PAGE

Agad tumugon si Tutok to Win Partylist Representative Sam ‘SV’ Verzosa sa pangangailangan ng mga biktima ng sunog sa Sampaloc, Maynila.

“Sinikap namin na makapagbigay ng mga relief packs na may laman na mga espesyal na pagkain at goodies kasi malapit ito sa puso ko. Ito yung nagbibigay sakin ng saya nung bata pa ako pag may nagbibigay ng ganito. Gusto kong ma-feel din nila yung saya na yun, at matikman din ng mga kababayan nating nasunugan yung mga masasarap na pagkain at hindi lang yung nakasanayan nila,” sabi ni Verzosa.

TUTOK TO WIN FB PAGE

Ang ‘relief bag’ na ibinigay ni Verzosa ay naglalaman ng bigas, gourmet tuyo, Champorado, Spam, Delimondo corned beef, Korean noodles, Toblerone chocolates, Frontrow soap, Frontrow supplements at iba pa.

Ang distribusyon ay ginawa noong nakaraang Lunes ng hapon sa Barangay 439 Zone 44 sa 35 pamilya, na may katumbas na 98 indibiduwal, na nawalan ng tirahan dahil sa sunog na naganap noong gabi ng Setyembre 11.

Bago pa man pumasok sa pulitika ay nagbibigay tulong na si Verzosa sa mga higit na nangangailangan na mga Filipino, kasama na ang mga biktima ng mga mapaminsalang kalamidad.

Katuwang ni Verzosa sa pamamahagi ng tulong sina Isabela Rep. Antonio Albano, Ms. Universe – Spain 2022 Alicia Faubel.

TUTOK TO WIN FB PAGE

“Dati na namin itong ginagawa sa Frontrow Cares kahit before pa mag pandemic. Ngunit grateful ako na ngayong tayo ay nasa puwesto ay lalo tayong nabigyan ng pagkakataon na maging boses ng mga naghihirap at naghihikahos nating mga kapwa Pilipino. Nabigyan din ako ng pagkakataon na palawakin pa lalo ang mga maaabot natin sa pagtulong sa pamamagitan ng kahit sa ganitong maliit na paraan lang. Kaya sana ay makapaghatid kami ng kahit konting saya sa mga kababayan natin na nasunugan, at sa lahat ng iba pang lugar na pupuntahan naming,” dagdag pa ni Verzosa.

Read more...