Central Luzon tinutumbok ng bagyong Maymay

Halos hindi gumalaw ang bagyong Maymay, ayon sa PAGASA, bagamat maari na itong bumilis patungo sa Central Luzon.

Inaasahan na tatama ito sa kalupaan ng Aurora bukas ng gabi o umaga ng Huwebes bago nito tatahakin ang Gitnang Luzon.

Taglay pa rin nito ang lakas ng hangin na 45 kilometro kada oras malapit sa gitna at bugso na aabot sa 55 kilometro kada oras.

Posibleng makaranas ng malakas na hangin dhail sa bagyo ang Isabela, Quirino, Nueva Vizcaya, Aurora, Nueva Ecija, at ang dulong Hilagang bahagi ng Quezon (Gen. Nakar, Infanta kasama ang Polillo Islands).

Bukas ay maaring makaranas na may katamtaman hanggang s amalakas na pag-ulan sa hilagang bahagi ng Isabela, Batanes, at Apayao, gayundin sa Aurora, Abra, Kalinga, Mt. Province, Ilocos Norte at natitirang bahagi ng Isabela.

Read more...