Ayon kay Press Usec. Cheloy Garafil, inaprubahan na ni Pangulong Marcos Jr. ang pagpapatuloy ng drilling operation.
Patunay aniya ito na interesado ang Pangulo na maghanap ng locally sourced oil o oil exploration projects para matugunan ang patuloy na pagtaas ng presyo ng langis.
Base sa inilabas na pahayag ng Pangulo, ang pagsisimula ng drilling activities ay isang hudyat na palalakasin pa ng kanyang administrasyon ang pagpasok ng mga dayuhang mamumuhunan.
Ang Nido Petroleum ay nagsimulang mag- operate nitong nakaraang Pebrero at siyang magpopondo ng 100 percent sa development costs, kabilang na ang drilling, pagpapalawak ng well tests, at ano mang aktibidad para sa nabanggit na oil exploration.
Sinabi naman Ng Pangulo na ang ganitong development ay bunga ng kumpiyansa at tiwala ng mga investors bunsod na rin ng ibinibigay na commitment ng pamahalaan sa mga mamumuhunan na panatilihin ang mga investment incentives sa mga service contractors.