Malakanyang ‘bulag’ sa pag-blacklist ng China sa Pilipinas

PDI PHOTO

Wala pang nanatatanggap na abiso ang Malakanyang ukol sa pagsama sa ‘blacklist’ ng gobyerno ng China sa Pilipinas bilang ‘tourist destinations’ ng Chinese nationals.

Kayat sinabi ni Press Usec. Cheloy Garafil hindi pa makakapag-komento ang Palasyo sa isyu at hihintayin muna ang pormal na abiso.

“Sa totoo lang wala pa po kaming narereceive na advisory with respect to that blacklisting issue. So pag nagbigyan na kami ng kaukulang advisory we will make the proper comment,” pahayag ni Garafil.

Unang ibinahagi sa Senate hearing ukol sa POGO ni Senate President Juan Miguel Zubiri ang pag-blacklist ng China sa Pilipinas.

Ibinahagi aniya sa kanya ni Chinese Amb. Huang Xilian na nangangamba ang gobyerno nito na ang mga Chinese nationals na magtutungo sa Pilipinas ay magta-trabaho lamang sa POGOs.

Nangangamba din ang China na mabibiktima lamang ng mga sindikato sa POGO ang kanilang mamamayan.

Read more...