Aviation at maritime sectors pinatutukan ni PBBM Jr.

MALACANANG PHOTO

Sumentro sa sektor ng transportasyon ang ika-11 Cabinet meeting ngayong araw ni Pangulong Marcos Jr. sa Malakanyang.

Ayon kay Press Usec. Cheloy Garafil, partikular na pinatutukan ng Pangulo ang maritime at aviation sectors.

Nais kasi ng Pangulo na palakasin  at isulong ang economic recovery  at mabigyan ng hanapbuhay ang sambayanang Filipino.

“Inutusan ni Pangulong Marcos ang pagbuo ng isang Maritime Industry Development Plan upang  mapaunlad at mapalawig ang mga industriya ng maritime at aviation sector kasama diyan ang pag-utos din ng Pangulo na ayusin ang ports upang mas marami ang cruise ships ang makadaong dito para mapa-boost din ang ating tourism industry,” pahayag ni Garafil.

Inutusan ng Pangulo ang Maritime Industry Authority na tutukan ang problema ng mga maritime schools na hindi nakasusunod sa educational quality standards base sa international requirements at guidelines.

Pinatutukan din ng Pangulo ang pagtugon sa isyu ng ship boarding requirements sa mga maritime students.

“Sinabi ng Pangulo na dapat i-upgrade ang competencies ng mga eskwelahan at ayusin ang training programs to give the students advantage and put them to international standards ara mapatuloy ang estado ng bansa na number 1 supplier ng seafarers sa buong bundo,” pahayag ni Garafil.

Samantala, inatasan naman ang DOTR na tutukan ang pag-a-upgrade sa NAIA para matugunan ang lumalaking demand, kasama na ang pag-aaral sa mga existing unsolicited proposals para i-modernized ang mga existing airports at iupgrade ito at magtayo ng mga bagong airports sa iba’t-ibang lugar sa bansa.

 

Read more...