Aabot sa P1.2 milyong halaga ng mga smuggled na sigarilyo ang nasabat ng Philippine Coast Guard sa Zamboanga City Port.
Ayon sa PCG, nakalagay ang mga smuggled na sigarilyo sa isang pulang truck na naglalaman ng humigit kumulang na 1,800 ream.
Nakalagay ang mga illegal na produkto sa styro container.
Nakilala naman ang operator ng truck na si Khadaphy Asim.
Inihatid sa Bureau of Customs (BOC) ang mga nakumpiskang produkto para sa agarang paghahain ng kaso laban kay Asim at mga sa iba pang mga kasabwat nito.
MOST READ
LATEST STORIES