Pinulong ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang Legislative Executive Development Advisory Council (LEDAC) ngayong araw sa Palasyo ng Malakanyang.
Ito ay para talakayin ang mga prayoridad na panukalang batas ng administrasyon.
Ayon kay Office Press Secretary Officer-in-Charge Undersecretary Cheloy Garafil, 20 miyembro ng council ang dumalo sa LEDAC.
Tinalakay saa LEDAC ang mga common legislative agenda pat ana ang mga programa para sa COVID-19 vaccination.
Napag-usapan din ang National Government Rightsizing Program (NGRP), Budget Modernization Bill, Government Financial Institutions Unified Initiatives to Distressed Enterprises for Economic Recovery (GUIDE) at Unified System of Separation, Retirement and Pension.
Tinalakay din ang ilang economic bills, national security matters, posibleng pag-aamyenda sa Electric Power Industry Reform Agenda o EPIRA Law at Build-Operate-Transfer (BOT) Law.
Ito ang unang LEDAC meeting ni Pangulong Marcos mula nang maupo sa puwesto noong Hunyo 30.
Naitatag ang LEDAC noong Disyembre 9, 1992 sa pamamagitan ng Republic Act No. 7640.