DILG Secretary Benhur Abalos, positibo sa COVID-19

Nag-positibo sa COVID-19 si Interior and Local Government  Secretary Benhur Abalos.

Ayon kay Abalos, ito ay matapos umailalim siya sa RT-PCR test.

Sa ngayon, sumasailalim na sa isolation si Abalos.

Kahit nasa isolation, tuloy naman ang trabaho ni Abalos.

Nagpapasalamat naman si Abalos na fully vaccinated na siya at mayroon nang booster shot kontra COVID-19.

Matatandaang kahapon lamang, dinalaw ni Abalos si dating Senador Leila de Lima na nakakulong sa PNP Custodial Center.

Ginawa ni Abalos ang pagbisita kay de Lima matapos i-hostage sa loob ng kulungan.

 

Read more...