Nagpasaklolo na sa publiko ang pambansang-pulisya para makilala ang itinuturing na ‘person of interest’ sa pagpatay kay hard-hitting broadcaster Percy Lapid.
Ibinahagi kay Interior Secretary Benhur Abalos ni NCRPO director, Maj. Gen. Jonnel Estomo, ang larawan ng person of interest base sa kuha sa isang CCTV footage.
Sinabi ni Estomo ang naturang lalaki ang hinihinala na rin nilang bumaril kay Lapid, na Percival Mabasa sa tunay na buhay.
Ibinahagi na rin ng binuong Special Investigation Task Group (SITG) Lapid ang iba pang CCTV footages, kung saan napanood ang salarin at ang nag-abang na rider ng motorsiklong ginamit sa krimen.
Ayon naman kay Col. Kirby Kraft, director ng Southern Police District, hindi pa natutukoy ang motibo sa pagpatay kay Mabasa dahil patuloy nilang sinusuri ang lahat ng mga anggulo sa kaso.
Una nang nag-alok ng P500,000 na kanyang personal na pera si Abalos para sa impormasyon na ikakaresolba ng kaso at ang halaga ay nasa P1.5 milyon na matapos mag-ambag ang mga kaibigan ng biktima.