Babala sa mga motorista, posibleng tumaas ang presyo ng produktong petrolyo sa susunod na linggo.
Tinatayang nasa P4.40 hanggang P4.70 ang posibleng itaas sa presyo ng diesel kada litro.
Nasa P0.40 hanggangP0.70 naman ang maaring itaas sa presyo ng gasolina kada litro.
Matatandaan na noong nakaraang linggo lamang, tumaas ng P0.40 ang presyo ng gasolina kada litro habang nasa P0.45 naman ang itinaas sa presyo ng diesel kada litro at P0.85 naman ang presyo sa kada litro ng kerosene.
MOST READ
LATEST STORIES