459 na pamilya na biktima ng kalamidad sa Zamboanga, binigyan ng P10,000 na ayuda

(Courtesy: NHA)

Aabot sa 459 na pamilya na nabiktima ng kalamidad sa Zamboanga City ang nakatanggap ng ayuda mula sa National Housing Authority.

Ayon kay NHA General Manager Joeben Tai, galing sa 25 na barangay ang 459 na pamilya na nasunugan ng bahay habang ang iba ay nasira dahil sa malakas na hangin.

Aabot sa P10,000 ng natanggap na ayuda.

Isinagawa ang pamamahagi ng cash assistance sa Brgy. San Roque at Brgy, Recodo sa Zamboanga City.

Galing ang P4.59 milyon na  pondo sa Emergency Housing Assistance Program (EHAP).

Saklaw nito ang mga nasiraan ng bahay dahil sa natural at man-made calamities gaya ng bagyo, lindol, giyera, sunog at iba pa.

Tiniyak naman ni Tai na hindi pababayaan ng NHA ang mga pamilyang nasiraan ng bahay dahil sa kalamidad.

Simula nang maupo sa puwesto si Tai, umabot na sa P275.150 millyong EHAP funds ang naipamahagi kung saan 42,131 na pamilya ang nakinabang.

 

Read more...