Bato, Camarines Sur niyanig ng lindol

Niyanig ng 3.5 magnitude na lindol ang Bato, Camarines Sur kaninang 7:33 ng umaga.

Ayon sa Phivolcs, tectonic ang origin ng lindol na may lalim na 13 kilometro.

Naramdaman ang Intensity III Nabua, Camarines Sur.

Intensity II naman ang naramdaman sa Iriga City at Pili sa Camarines Sur.

Ayon sa Phivolcs, wala namang inaasahang aftershocks o trsunami.

Wala ring naiulat na nasirang ari-arian matapos ang lindol.

Read more...