DTI ilalabas ang SRPs ng Noche Buena goods

PHILIPPINE DAILY INQUIRER PHOTO

Nakatakdang maglabas ang Department of Trade and Industry (DTI) ng bagong suggested retail price (SRP) para sa mga produkto na karaniwang bahagi ng handaan sa Kapaskuhan.

Gagawin ito, ayon kay Trade Asec. Anne Cabochan, pagkatapos ang diyalogo nila sa mga manufacturers kung maaring babaan lang ang ipapatupad na taas-presyo o ipagpaliban na lamang ito.

“We are closely coordinating with the manufacturers. There were requests for the seasonal products like Noche Buena products. Time and again, they have been very accommodating to our request for lower price hikes, and at time they were generous enough in not increasing the prices,” aniya.

Pag-amin niya may mga hirit para sa pagtaas ng presyo at karaniwang dahilan ay ang mataas na halaga ng langis, mataas na halaga ng transportasyon at ang pagbaba ng halaga ng piso laban sa dolyar.

Nabatid na 10 gumagawa ng mga panghanda sa Noche Buena ang nag-petisyon para magtaas ng kanilang mga produkto.

Read more...