Magugunita na Setyembre ng nakaraang taon nang ilabas ang CDO ng Quezon City RTC Branch 91 laban sa NOW Cable dahil nag-expire na ang prangkisa nito.
Noong nakaraang Mayo, binawi na ng NTC ang mga naka-assign na frequency sa NOW Cable kabilang ang lahat ng channel at maging ang inisyung provisional authorities dito dahil sa kawalan ng balidong congressional franchise.
Sa resolusyon ng QC RTC Branch 91, sinabi nitong nabigo ang NOW Cable na patunayan na dapat silang mabigyang proteksyon sa pamamagitan ng pagpapalabas ng injunction.
Ayon sa korte, sa ilalim ng RA No. 8213 Section 3, kailangan ng prior approval ng NTC para sa kontruksyon at operasyon ng ng istasyon at pasilidad ng NOW Cable.
Sinabi din ng korte na ang prangkisa ng NOW Cable ay napaso na noong Sept. 2021.
Sa pagtutol ng NTC, sinabi nitong walang otorisasyon ang korte para aprubahan ang petisyon ng NOW Cable dahil ang pagbibigay ng certificate of authority para makapag-operate ng radio at television broadcasting system kabilang na ang CATV ay mandato ng NTC.