Sa pagdinig ng Senate Committee on Government Corporations and Public Enterprises, na pinamumunuan ni Cayetano, ibinahagi ng senador ang kahandaan ng Senado na maghanap ng mapapagkuhanan ng pondo ng Philhealth para matupad nito ang mandato.
“The government is here to fill the gaps. Kaya nga tayo pinuno dahil pupunuan natin ang mga pagkukulang,” sabi pa ng senador.
Ayon sa senador, maaring ikunsidera ang kita mula sa excise taxes para matulungan ang Philhealth.
Binanggit ni Cayetano na sa isang survey noong 2019, anim sa bawat 10 Filipino ang namamatay nang hindi man lang natitingnan ng doktor.
Lumabas din aniya sa survey na 99 porsiyento ng mga sumagot ay sinabi na hindi nila kaya na bilihin ang mga gamot na inirereseta.
“Hindi puwedeng walang matakbuhan ang Filipino, whether it’s a health center, whether it’s private or public clinic, ang nagbibigay ng lakas ng loob sa kanila will be their Philhealth membership,” saad pa ng senador.