P.5M inalok ni DILG Sec. Benhur Abalos para maresolba ang Lapid ambush-slaying

Inanunsiyo ni Interior Secretary Benhur Abalos na handa siyang magbahagi mula sa kanyang personal na pondo ng P500,000 para sa impormasyon ukol sa mga pumatay kay radio broadcaster Percival Mabasa, aka Percy Lapid.

Ginawa ito ni Abalos sa pagdalaw sa burol ni Lapid kagabi.

Aniya tulong na niya ito sa naiwang pamilya ni Lapid, na sinabi niyang malapit sa kanya.

“I am offering P500,000 from my own money for any information na makakatulong pa sa imbestigasyon,” sabi ni Abalos.

Tiniyak nito sa mga naulila na pagsusumikapan ng gobyerno na agad makilala ang mga salarin at malaman ang motibo sa pamamaslang.

Tinambangan si Lapid malapit sa kanilang bahay sa Las Pinas City noong Lunes ng gabi.

Read more...