Dating ES Vic Rodriguez labas na sa PBBM administration

Tuluyan nang tinalikuran ni dating Executive Secretary Victor Rodriguez ang administrasyong-Marcos Jr.

Magugunita na noong nakaraang buwan, nagbitiw si Rodriguez sa posisyon at ginawang Presidential Chief of Staff.

Ngunit sinabi ni Executive Sec. Lucas Bersamin walang memorandum ukol sa pagtatalaga kay Rodriguez sa binuong bagong posisyon.

Sa kanyang social media post, sinabi ni Rodriguez na nais na lamang niyang makapiling ang kanyang pamilya.

Dagdag pa ng 48-anyos na abogado, matagal silang nagkausap ni Pangulong Marcos Jr., ukol sa kanyang desisyon na umalis na sa pagbibigay serbisyo sa gobyerno.

Sinabi pa nito na masaya siya sa kanyang desisyon.

“I confirm that I have completely exited the administration of President Bongbong Marcos, after having spoken to him at length about my wish to spend most of my time with my family…a very personal decision that was happily made,” sabi ni Rodriguez sa kanyang Facebook post.

 

Read more...