Pagtugon sa climate change prayoridad ng administrasyong-Marcos Jr.

Tiniyak ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na bahagi ng agenda ng administrasyon ang climate change adaptation.

Sa talumpati nito sa pagbubukas ng 2022 Department of Environment and Natural Resources (DENR) Multi-Stakeholders Forum sa Maynila, sinabi nito na dapat pang palakasin ang pagsasanib puwersa ng lahat para mapangalagaan ang kalikasan.

“As your President, I assure you that our environment and our country’s resiliency and adaptation to the new normals of climate change are on top of the national agenda,” pahayag ni Pangulong Marcos Jr.

Dagdag pa niya; “We ensure that the initiatives we will take will enable us to become smarter, more responsible, more sustainable in all that we do.”

Nanawagan siya ng pagkakaisa ng lahat at aniya ang lahat ay nakasalalay sa pag-uugali at disiplina.

Maituturing aniyang tagumpay ang pagtugon sa climate change kung malinis ang malalanghap na hangin at malinis ang maiinom na tubig.

Read more...