Manghihinayang ng husto si Senator Christopher Go kung mapupunta lamang sa wala ang mga napagtagumpayan ng ikinasang kampaniya laban sa droga ng nagdaang administrasyong-Duterte.
Sinabi ni Go na sa kabila ng mga kontrobersiya na bumalot sa kampaniya, hindi naman maitatanggi ang mga benepisyong naidulot nito sa mamamayan at komunidad.
“The proliferation of illegal drugs has posed a continuing threat to the lives and safety of our people, and the peace and order of our country. Not only has it ripped families apart and snatched the bright future of many of our Filipino youth, but it has also bred criminality and corruption, compounding the societal ills that harm our nation,” diin ng senador.
Binanggit ni Go na sa anim na taon na termino ni dating Pangulong Duterte, bumaba ng 73.76 porsiyento ang antas ng krimen sa bansa base na rin sa ulat ng pambansang pulisya.
Pinasalamatan naman niya si Pangulong Marcos Jr., sa pahayag nito na nais niyang harapin ang isyu sa droga sa bansa sa panibagong pamamaraan.
Kasabay nito, ang kanyang panawagan sa pagsasabatas ng inihain niyang Senate Bill No. 428 para sa pagpapatayo ng drug rehabilitation centers sa buong bansa na pangangasiwaan ng Department of Health (DOH).