Ecstasy tablets galing The Netherlands buking ng BOC – Clark

Idineklarang beads ang higit 500 ecstasy tablets na nadiskubre ng mga tauhan ng Bureau of Customs -Port of Clark.

 

Base sa ulat kabuuang 505 piraso ng sinasabing ‘party drug’ na may kabuuang halaga na P858,500 ang nakumpiska.

 

Dumating ang mga ito sa bansa noong Setyembre 30 na nakalagay sa tatlong plastic jars at nagmula sa Hoofddorp sa The Netherlands.

 

Nabatid naman na naaresto sa pamamagitan ng controlled delivery operation ang nagtangkang kumuha ng mga naturang droga.

 

Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Danegrous Drugs Act of 2002.

Read more...