1,000 unit ng laptop, ipinamahagi sa mga guro sa QC

Photo credit: Quezon City government
Karagdagang 1,000 na unit ng laptop ang ipinamahagi ni Quezon City Mayor Joy Belmonte sa mga public school teachers at child development workers. Tulong ito para sa kanilang teaching needs. Mismong si Belmonte ang nanguna sa  ceremonial turnover ng karagdagang 1,000 laptops para sa public elementary at high school teachers, at 50 laptops para sa  child development workers sa public daycare centers. “Sa Quezon City,  pinapahalagahan natin ang edukasyon kaya patuloy ang ating pagsuporta sa mga paaralan mula sa mga mag-aaral hanggang sa mga guro. Nakikipag-ugnayan din tayo sa SDO at SSDD para masiguro natin na sapat ang suporta na ibinibigay natin sa kanila,” pahayag ni Belmonte. Ang 1,000 na laptop ay Bukod pa sa 5,593 na laptop na una nang ipinamahagi ng lokal na pamahalaan. Binigyan di ni Belmonte ng libreng internet connectivity at monthly at quarterly allowances ang mga guro. Nakatanggap naman ng mga  service vehicles ang mga eskwelahan. Pinaigting din ng lokal na pamahalaan ang capability olng daycare centers sa pamamagitan ng pagbibigay ng  96,440 storybooks sa mga estudyante pati na ang school supplies, hygiene kits, medical supplies, at food packs. Binigyan naman ng “Handang Magbasa Manuals” ang mga magulang at ang mga child development workers. Simula nang mag umpisa ang klase noong Agosto 22, namahagi na ang lokal na pamahalaan ng school supplies sa 450,000 na estudyante at  SPED students. Binigyan din ng mga tablets ang  Grades 4 hanggang 12 students sa public schools; 710,371 learning kits, 6,875,846 modules, at 430,438 hygiene kit.

Read more...