Hindi na bahagi ng gabinete ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. si dating Executive Secretary Vic Rodriguez.
Taliwas ito sa pahayag ni Rodriguez at ng Office of the Press Secretary na itinalaga siya ni Pangulong Marcos bilang Presidential Chief of Staff sa pamamagitan ng Administrative Order 1.
Ayon kay Executive Secretary Lucas Bersamin, sa una pa lamang, walang AO1 na nilalagdaaan si Pangulong Marcos.
Sa pagkakaalam ni Bersamin, walang lumulutang na AO1.
“Kapag mayroon talaga niyan, mayroon na rin kayong kopya pero wala kayong nakikita so it’s up to you to deduce kung nagtatago kami o hindi. Ang totoo niyan kung mayroon talaga ay ibibigay kung mayroon but up to now wala pang lumilitaw na ganiyan,” pahayag ni Bersamin.
WATCH: Executive Secretary Lucas Bersamin: Former Executive Secretary Vic Rodriguez no longer part of Marcos' Cabinet. Says there is no Administrative Order Number 1. @radyoinqonline pic.twitter.com/GJ6N8Yi2xm
— chonawarfreak (@chonayu1) October 4, 2022
Hindi rin aniya pinag-uusapan sa Palasyo si Rodriguez.
Matatandaang nagbitiw si Rodriguez bilang Executive Secretary matapos ang kontrobersyal na pag-aangkat ng 300,000 metrikong toneladang asukal na hindi inaprubahan ng Pangulo.
— chonawarfreak (@chonayu1) October 4, 2022