Press Secretary Trixie Angeles nagbitiw sa puwesto

Photo credit: Press Secretary Trixie Cruz-Angeles/Facebook

Nagbitiw na sa puwesto si Press Secretary Trixie Angeles.

Ayon kay Senior Deputy Executive Secretary Hubert Guevara, health reason ang sanhi ng pagbibitiw sa puwesto ni Angeles.

Tinanggap na aniya ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang resignation ni Angeles.

Sinabi pa ni Guevara na kanina lamang isinumite ni Angeles ang kanyang resignation letter.

Sa ngayon, wala pa aniyang napipili si Pangulong Marcos na papalit sa puwesto ni Angeles.

Una nang lumutang ang pangalan ni Attorney Mike Toledo na posibleng pumalit sa puwesto ni Angeles.

Pero ayon kay Exceutive Secretary Lucas Bersamin, noon pa man ay lumalabas na ang pangalan ni Toledo.

Pero mas makabubuti aniyang respetuhin ang nais ng Pangulo kung sino ang kanyang magiging Press Secretary.

Hanggang sa ngayon aniya, wala pang abiso ang Pangulo kung sino ang papalit kay Angeles.

Marami pa aniyang inaasikaso ang Pangulo.

Mas makabubuti aniyang hintayin na lamang kung sino ang itatalaga ng Pangulo na kapalit ni Angeles.

Matatandaang na-bypass ng Commission on Appointments si Angeles.

Hindi na rin kasama si Angeles sa mga ni-reappoint ni Pangulong Marcos.

 

Read more...