Pinaniniwalaang nagwakas na ang matagal ng panloloko ng isang lalaki sa mga negosyante sa Pasay City.
Inaresto si Gerald Red sa bisa ng mga warrant of arrest sa mga kasong estafa, malicious mischief, illegal drugs at violence against women.
Iniharap si Red kay Mayor Emi Calixto-Rubiano dahil isa sa mga ginagamit ng una sa kanyang panloloko ang opisyal.
Diumano nagpapakilala ang suspek na chairman ng Eduardo Calixto Foundation at nanghihingi ng donasyon sa mga negosyante gamit ang pekeng resibo.
Ibinahagi naman ni Calixto-Rubiano na isang negosyante ang nakolektahan na ng P100,000 ng suspek.
Sabi pa ng opisyal, gumawa pa ng social media account si Red gamit ang pangalan at larawan ni Calixto-Rubiano para sa kanyang sinasabing panloloko.