Pondo para sa P500 dagdag sa indigent pension inaasikaso ng SC partylist

Patuloy na inaasikaso ni Senior Citizen Partylist Representative Rodolfo ‘Ompong’ Ordanes na mapondohan ang karagdagang P500 sa buwanang pensyon ng mga mahihirap na lolo’t lola.

Gayundin, dagdag ni Ordanes, ang hinihintay na cash gift sa mga centenarians.

Ayon pa sa mambabatas, kakausapin niya ang mga senador para sa P25.77 bilyon sa pagpopondo sa karagdagang pensyon ng mahigit apat na milyong indigent seniors.

Samantala, P70.4 milyon naman ang kailangan para sa mga centenarians.

Binanggit ito ni Ordanes kasabay nang paggunita ng Elderly Filipino Week mula Oktubre 1 hanggang 7.

Paalala lang ng mambabatas, sumunod sa bilin ni Pangulong Marcos Jr., na magpabakuna ng proteksyon sa COVID 19.

Read more...