Tinambakan ng Golden State Warriors ang Cleveland Cavaliers sa game 2 ng NBA finals.
Dahil sa pagkapanalo kontra sa Cavaliers sa score na 110-77, hawak na ngayon ng Warriors ang 2-0 lead sa serye.
Sa unang quarter lamang ng laban nagawang makalamang ng Cavaliers kung saan nagtapos ang 1st quarter sa score na 19-22.
Matapos ito mula sa 2nd quarter hanggang sa 4th quarter ay tuluyan nang lumobo ang kalamangan ng Warriors.
Top scorer ng Warriors sina Draymond Green na mayroong 28 points, Stephen Curry na mayroong 18 points at Klay Thompson na mayroong 17 points.
Habang sa panig ng Cavs, si Lebron James ay nakakuha ng 19 points, si Richard Jefferson ay nakapagtala ng 12 points at 10 points namn si Kyrie Irving.
Sa Oracle Arena sa Oakland California ginanap ang laban na home court ng Warriors.