Ayon kay Atty. Mazna Luchavez-Vergara ng campaign finance office ng Comelec hanggang sa Miyerkules, June 8 na lamang maaring magsumite ng kanilang SOCE ang mga nanalo at natalong kandidato.
Sinabi ni Vergara na kailangang magsumite ng hard at soft copy ng SOCE ang mga ito dahil ang kabiguan na maisumite ang isa man dito ay nangangahulugan din na walang naisumite ang mga ito.
Kapag nabigo aniya ang mga kumandidato na hindi makapagsumite ng kanilang SOCE sa June 8 ay maaari silang pagmultahin sa unang paglabag at maaari namang hindi na payagang makahawak ng anumang posisyon sa gobyerno sa ikalawang paglabag.
Nilinaw din ni Vergara na wala na silang ibibigay na extension sa mga hindi makakapagsumite ng SOCE sa itinakdang panahon.