Megastar Sharon Cuneta hindi pinapasok sa Hermes store

Hindi pinapasok sa tindahan ng luxury brand na Hermes sa Seoul, South Korea si megastar Sharon Cuneta.

Base vlog ni megastar sa kanyang Youtube channel, hindi pinayagan ng salesman na makapasok ang aktres sa naturang tindahan ng sikat na bag.

Bibili sana ng sinturon ang aktres sa Hermes.

Sa halip na Hermes, nag-shopping na lang ang megastar sa katabing sikat na tindahan na Louis Vuitton.

Kasama ng megastar sa South Korea ang asawang si Senador Kiko Pangilinan at mga anak na sina Frankie, Miel at Miguel.

 

Read more...