P236 milyong jackpot sa lotto, tinamaan ng 433 na mananaya

Aabot sa 433 na mananaya ang tumama sa PCSO Grand Lotto Jackpot na aabot sa mahigit P236 milyon.

Ito ay matapos tamaan ang winning combination na 09-45-36-27-18-54 sa 6/55 lotto.

Paghahati-hatian ng 433 na nanalo ang premyo na P236,091,188.40.

Samantala, wala namang nanalo sa 6/42 lottery na may premyong P24 milyon.

Wala kasing mananaya ang tumama sa kombinasyon na 37-42-14-09-13-04.

Read more...