Nakitaan ng probable cause ng Pasi City Prosecutor’s Office para sampahan ng kaukulang kaso ang mga opisyal ng Fujifils Philippines na sina Ryo Nagaoka, Evan Reyes at John Paul Camarillo at Fujifilm Healthcare Asia Pacific Pte Ltd (Singapore) officers Anil Jacob John, Dinesh Mehra at Eric Koh.
Ito ay dahil sa krimeng “other deceits” na pinarurusahan ng Article 318 (1) ng Revised Penal Code.
Ayon sa resolusyon ng piskal, inakusahan ng Sunfu Solutions, Inc. ang mga opisyal ng Fujifilm ng kasong kriminal na pandaraya at panlilinlang sa pamamagitan ng pagbigay ng First Tier Distribution Certificate na may petsang January 6, 2022, na nagbigay pahintulot sa Sunfu na ipamahagi ang mga kagamitang medikal ng Fujifilm para sa OFW Hospital and Diagnostic Center sa Pampanga, na naging dahilan para maniwala ang Sunfu na ito ay pinahintulutan ng Fujifilm ngunit sa kalaunan ay napag-alamang ang sertipiko ay peke sapagkat ang Fujifilm ay walang layuning tuparin ang pakunwaring pangako.
Nagreklamo ang Sunfu na ang panlilinlang na ito ay naihayag lamang nang ang Fujifilm ay kalaunang nag-isyu ng First Tier Certification sa isa pang bidder na siyang epektibong nagpawalang-bisa sa nauna nitong inisyu sa Sunfu.
Nagsumite ang Sunfu ng email at whatsapp messages na nagmula kay Anil John, isang opisyal ng Fujifilm Singapore, bilang ebidensya.
Nagtiwala ang Sunfu sa mga pahayag at representasyon ng Fujifilm na ang First Tier Certificate ay eksklusibo, sa kadahilanang hindi ito nagsaad sa sertipiko na ito ay hindi eksklusibo, na siyang gawain sa kanilang industriya at gayon din ang naging pagtrato sa kanilang mga nakaraang transaksyon.
Nang malaman ng Sunfu sa simula ng subasta na may katulad na sertipiko na inisyu ang Fujifilm sa isa kakumpitensyang bidder, humingi ito ng paglilinaw mula sa Fujifilm ngunit ang huli ay walang paglilinaw na ginawa.
Sa simula, pinalabas ni Anil John ng Fujifilm na ang supresang ito ay hindi ganoon kahalaga sa pamamagitan ng pagsambit na “kami (Fujifilm) ay susuporta sa kung sino man ang may magandang pagkakataon na panalunan ito” na sa kalaunan ay pinabulaanan ni Evan Reyes na nagsabing “kanilang nakumpirma (sa DOLE) na sila ay maaring sumuporta lamang sa isang dealer (ang kabilang partido) para dito”.
Dahil sa naantalang kumpirmasyon na hindi nito susuportahan ang bid ng Sunfu, na siyang naglagay dito sa sitwasyon kung saan ito ay walang umiiral na First Tier Certificate, nawalan ng pagpipilian ang Sunfu kundi umatras mula sa post-qualification phase ng bid.
Ipinaliwanang ng Sunfo na ito ay nabiktima at nalinlang sa kadahilanang ito ay pinaniwala na maaari itong mag-distribute ng Fujifilm medical equipment na sa huli ay lumabas lamang na hindi totoong pangako, at nasayang lamang ang oras at gastos na kanilang ginugol para makipagkumpitensya sa bid.
Bilang aksyon sa reklamo ng Sunfu, ang Tanggapan ng Piskalya ng Lungsod Pasig ay naglabas ng mga resolusyon na may petsang Abril 12, 2022 at Agosto 15, 2022 na nagdedesisyon na ang ebidesya ay bumuo ng probable cause na ang “kabuuang aksyon” ng mga akusadong opisyal ng Fujifilm ay maituturing na kriminal na panlilinang laban sa Sunfu.
Ayon sa Resolusyon na may petsang Abril 12, 2022, sinabi ng Tanggapan ng Piskalya na ang mga opisyal ng Fujifilm ay pinaniwala ang Sunfu na ito ay binigyan ng “First Tier Distributorship status” ngunit ang katotohanan nito ay ang mga opisyal ay may “layong suportahan ang katungali ng nagrereklamo.”
Ayon sa Resolusyon na may petsang Agosto 15, 2022, muling isinaad ng Tanggapan ng Piskalya na sa kadahilanan ng pagbigay ng First Tier Certificate, ang mga opisyal ng Fujifilm ay gumawa ng “maling representasyon” at gumawa ng “panlilinlang at pandaraya” sa Sunfu.
Ayon dito ang mga opisyal ng Fujifilm ay “gumawa ng pandaraya at panlilinlang sa pamamagitan ng omission” kasama ng konseptong ito ang “fraudulent nondisclosure” at “fraudulent concealment”.
Pinabulaanan ng mga opisyan ng Fujifilm sa kanilang counter-affidavits ang mga paratang ngunit ayon sa resolusyon ng Tanggapan ng Piskalya “ ang depensang pagtanggi, bilang isang negatibong depensa, at walang kaakibat na malinaw at kapanipaniwalang ebidensya ay hindi dapat bigyan ng konsiderasyon at hindi rin maaring bigyan ng mas mabigat na konsiderasyon kaysa sa mga paratang ng nagreklamo na ginawa sa tiyak at tahasang paraan, na walang anumang masamang motibo ay kailangang mangibabaw kaysa sa depensa ng pagtanggi at alibi.”
Ang kriminal na impormasyon ay naisampa sa Metropolitan Trial Court of Pasig City. Ang Sunfu Solutions ay nagsampa ng Motion for Reconsideration sa piskalya, na nagsasabing ang asunto laban sa mga akusado ay kailangang gawing estafa sa ilalim ng Art. 315(2) (a) ng Revised Penal Code. Ang mga opisyal ng Fujifilm ay humingi ng suspensyon ng paglilitis, sa kadahilanang sila daw ay umapila sa Department of Justice.