Niyanig ng 2.6 magnitude na lindol ang Saint Bernard, Southern Leyte kaninang 11:45 ng umaga.
Ayon sa Phivolcs, tectonic ang origin ng lindol na may lalim na 22 kilometro.
Naramdaman ang Intensity II sa Saint Bernard.
Wala namang nasirang ari-arian matapos ang lindol.
Ayon sa Phivolcs, wala ring inaasahang tsunami aftershocks.
MOST READ
LATEST STORIES