Senador Robinhood Padilla, sumailalim sa heart procedure

Photo credit: Senate of the Philippines/Facebook

 

Sumailalim sa heart procedure ang aktor at Senador Robinhood Padilla.

Ayon sa Instagram post ng asawa ni Padilla na si Mariel Rodriguez, matagumpay naman ang heart procedure at ngayon ay nagpapagaling na ang senador.

Sinabi pa ni Mariel na naging rollercoaster ang kanilang emosyon dahil sa nangyari sa asawa.

Nagpapasalamat naman si Mariel sa mga nagdasal sa kanyang asawa.

Hindi naman tinukoy ni Mariel kung saang ospital nakaratay ang senador.

 

Read more...