(Courtesy: Office of the Press Secretary)
Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang oath-taking ng mga bagong halal na opisyal ng League of Municipalities of the Philippines (LMP).
Ayon sa Instagram post ng Pangulo, pinasalamatan nito ang mga outgoing officers at nagpaabot naman ng pagbati sa mga bagong opisyal ng League of Municipalities of the Philippines.
Sa Twitter post ni Press Secretary Trixie Angeles, pinaalalahanan nito ang mga bagong halal na opisyal na maging responsible sa pagtataguyod sa people-centered bureaucracy sa kani-kanilang mga komunidad.
Hangad aniya ng Palasyo ang mabuting pamamahala para sa ikabubuti ng publiko.
MOST READ
LATEST STORIES