Vargas: Local disaster assistance, palalawakin para sa mga bata at solo parents

Nais ni Quezon City Councilor Alfred Vargas na bigyan ng dagdag na benepisyo ang mga bata at mga solo parent tuwing may kalamidad at emergencies. “Our local governments have been at the forefront of providing immediate aid to vulnerable sectors of our communities during times of calamities. Kasama sa sektor na ito ang mga bata at mga solo parent. Dahil sa kanilang sitwasyon, dapat tingnan natin kung ano pang mga benepisyo ang maaring ibigay sa kanila,” ayon kay Vargas. Sinabi ni Vargas ng kailangan ng mga bata ng special care lalo na kapag kasama sila sa mga direktang nasalanta ng kalamidad. Bukod sa basic necessities, kailangan din umano ng mga batang nakaranas ng trauma ng counseling. Ang mga solo parent naman ay kailangan ng dagdag ng tulong para makaahon sa epekto ng kalamidad. Ilan sa pwedeng tulong ay pagkain, gamot, at financial aid para magpaayos ng kanilang mga bahay na nasalanta, dagdag pa ni Vargas. Ang pagbibigay ng dagdag na benepisyo sa mga bata at mga solo parent tuwing may kalamidad ay bahagi ng panukalang ordinansa na inihain kamakailan ni Vargas. Sa panukalang “Rapid Assistance Program for Disaster Victims Ordinance of Quezon City,” nais ni Vargas na gawing bahagi ng isang komprehensibong plano ang mga programa at serbisyo ng Quezon City government para mga mga nasalanta ng mga kalamidad. “Nakita natin sa mga nagdaang super-typhoon, mga lindol, at iba pang sakuna ang kahalagahan ng mga well-instituted at well-funded disaster assistance programs. Maraming buhay ang maliligtas at mapapaginhawa natin sa mabilisang pagresponde sa mga trahedya,” dagdag ni Vargas.

Read more...