Dominic Roco arestado sa anti-drug operation sa QC

Inquirer file photo

Arestado ang aktor na si Dominic Roco at apat na iba pa matapos magsagawa ng operasyon kontra illegal na droga ang mga pulis sa Quezon City.

Ayon sa Quezon City Police District, nakuha kay Roco ang shabu na nagkakahalaga ng P112,000 at dried marijuana na nagkakahalaga na P14,000.

Bukod kay Roco, naaresto rin sina Reynaldo Sanchez, 45; Eugene Marvin Tolentino, 27; Renz Anthony Cruz, 33 at Dexie Diamante, 21.

Si Roco ay anak ng beteranong aktor na si Bembol Roco.

 

 

Read more...