Bumaba ang presyo ng liquefied petroleum gas (LPG) simula ngayong araw, Oktubre 1.
Base sa abiso, nasa P2.55 ang bawas presyo sa kada kilo ng LPG.
Nangangahulugan ito ng P28 na bawas presyo sa kada 11 kilo na tangke ng LPG tank.
Kabilang sa mga nagpatupad ng bawas presyo ang mga kompanyang Petron, Phoenix Petroleum at Solane.
Nasa P1.43 kada litro naman ang ibabawas sa Auto LPG sa Phoenix Petroleum at Solane.
MOST READ
LATEST STORIES