Cortes, Surigao del Sur niyanig ng 4.3 magnitude na lindol

 

Niyanig ng 4.3 magnitude na lindol ang Cortes, Surigao del Sur alas 10:31 kagabi.

Ayon sa Phivolcs, tectonic ang origin ng lindol at may lalim na 11 kilometro.

Naramdaman ang Intensity III sa Lanuza, Surigao del Sur.

Ayon sa Phivolcs, aftershock ito matapos ang magnitude 5.3 na lindol sa Surigao del Sur noong Setyembre 28.

Ayon sa Phivolcs, wala namang nasirang ari-arian matapos ang lindol.

 

Read more...