P2.95 bilyong halaga ng agrikultura sinira ng Bagyong Karding

Umabot na sa P2.95 bilyong halaga ng agrikultura ang nasira dahil sa Bagyong Karding.

Ayon sa Department of Agriculture, naitala ang agricultural damage sa bahagi ng Cordillera Administrative Region (CAR), Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon, CALABARZON, Bicol Region at Western Visayas.

Nasa 103,552 na magsasaka at mga mangingisda at 164, ektaryang pananim ang naapektuhan ng bagyo.

Nangangahulugan ito ng 154,734 metric tonsnaproduction loss.

Ayon sa DA, karamihan sa mga nasira ay ang mga pananim na palay, mais, high value crops, livestock at poultry, at mga palaisdaan.

Tiniyak naman ng DA na may nakahandang ayuda ang kagawaran para sa mga apektadong magsasaka at mga mangingisda.

Kabilang na ang P 185.69 milyong halaga ng binhi ng palay, P23.16 milyong halaga ng corn seeds at P 13.55 milyong halaga ng assorted vegetable seeds.

Mayroong P2.45 mmilyong halaga ng animal heads, drugs and biologics para sa livestock at poultry at mga fingerlings at fishing paraphernalia para sa mga mangingisda.

Sinabi pa ng DA na mayroong Survival and Recovery (SURE) Loan Program mula sa Agricultural Credit Policy Council (ACPC) kung saan maring mag-loan ang mga magsasaka o mangingisda ng hanggang P25,000 na maaring bayaran sa loob ng tatlong taon at walang ineteres.

Mayroon ding inihanda ang DA na P500  milyong halaga ng Quick Response Fund (QRF) para sa rehabilitasyon ng mga apektadong lugar.

Pinapayuhan ang mga magsasaka at mangingisda na makipag-ugnayan lamang sa pinakamalapit na tanggapan ng DA para makakuha ng ayuda.

Read more...