Binigyang papugay ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang mga kawani ng Social Security System.
Ginawang Pangulo ang pagpupugay matapos pangunahan ang selebrasyon ng ika-65th Founding Anniversary ng SSS sa Quezon City.
Ayon sa Pangulo, sa nakalipas na anim na dekada, naging balwarte ng SSS ang stability ng bawat Filipino sa pribadong sektor.
Pinaigting aniya ng SSS ang pagbibigay proteksyon sa mga empleyado sa pamamagitan ng pagbibigay ng equitable at world-class protection.
“You personify the essence of a government that is at the end of the day always ready, reliable, no matter what the circumstances,” pahayag ng Pangulo.
“I, of course, ask you to keep up the good work and I can see that the SSS still has within its DNA the continuing service that you are giving and the sensitivity that you show to the actual conditions of our people,” dagdag ng Pangulo.
Pinuri ng Pangulo ang mga programa ng SSS partikular na ang Contribution Subsidy Provider Program.
“Inaalalayan natin ‘yung mga hindi masyado makapagbayad at naghahanap tayo ng paraan para hindi naman siya – hindi naman sila masyadong mabigat ang kanilang hinaharap na pangangailangan, especially during the pandemic,” pahayag ng Pangulo.
Maging ang flexible payment scheme para sa mga mangingisda at mga magsasaka ay kinilala rin ng Pangulo.
“Alam naman natin na dito sa pandemyang ito, sila talaga ang tinamaan nang husto at sila ang nais natin gustong tulungan dahil sila ang pundasyon ng ating ekonomiya, sila ang nagbubuhay sa ating lahat. Kaya’t itong tulong na ibinibigay ng SSS ay napakalaking bagay. Hindi lamang sa mga fishermen at saka mga farmers, kung hindi sa buong – sa lahat ng mga Pilipino. Dahil sa pagtulong sa ating agrikultura, sa pagtulong sa ating food supply, ay tumutulong tayo sa lahat ng Pilipino,” dagdag ng Pangulo.
Maging ang Contribution Penalty Condonation Program para sa mga business at household employers ay kinilala rin ng Pangulo.
“Hindi maikakaila ayon sa Pangulo na ginawa ng pribadong sektor ang lahat ng paraan mabigyan lamang ng kaukulanng benepisyo ang mga manggagawa,” ayon sa Pangulo.
Hinikayat pa ng Pangulo ang mga empleyado ng SSS na ipagpatuloy ang trabaho at pagbibigay ng serbisyo publiko.
Pangako ng Pangulo, ibibigay niya ang buong suporta sa SSS para maipagpatuloy ang pagtulong nito sa mga miyembro.