Inanunsiyo ng Commission on Elections (Comelec) ang pagsisimula ng pag-imprenta ng mga balota na gagamitin sa nalalapit na barangay at Sangguniang Kabataan elections.
Ito ay sa kabila ng pag-apruba ng bicameral committee report sa panukala na ipagpaliban ang nakatakdang eleksyon sa darating na Disyembre 5.
Sinabi ni Comelec spokesman Rex Laudiangco kailangan na sundin nila ang schedule kaugnay sa eleksyon hanggang hindi pinipirmahan ni Pangulong Marcos Jr., ang panukala ipinasa ng Kongreso.
Paliwanag niya, 30 araw ang gugulin sa pag-imprenta ng 92 milyong balota at karadagang 30 araw para sa pag-verify at distribusyon ng mga ito.
Aniya hanggang walang batas ukol sa pagpapaliban ng eleksyon kailangan ay magtuloy-tuloy ang kanilang paghahanda.