4,500 na basura nakolekta sa Dolomite Beach

Kuha ni Richard Garcia/Radyo Inquirer On-Line

Aabot sa 4,500 na sako ng basura ang nakuha ng Department of Environemtn and Natural resources matapos magsagawa ng cleanup drive sa Manila Baywalk Dolomite Beach sa Maynila.

Ayon kay DENR-Metropolitan Environmental Office (MEO) West OIC Director Rodelina de Villa, bahagi ito ng selebrasyon ng International Coastal Cleanup (ICC) Day 2022.

Nasa mahigit na 4,000 volunteers ang nakibahagi sa cleanup activity.

Tema sa taong ito ang “Fighting for Trash Free Seas-Pilipinas: Ending the Flow of Trash at the Source.”

Kabilang sa mga nakolektang basura ang ay plastic wastes, dried water hyacinth, at marine debris.

“Volunteers from government, private organizations, and private individuals came to the Baywalk’s coastline with their own garbage bags as well,” pahayag ni de Villa.

Ayon kay de Villa, nasasalamin sa Manila Baywalk ang pagtutulungan ng lahat ng sektor upang matugunan ang coastal litter sa pamamagitan ng mga isinasagawang beach cleanup activities.

“However big and daunting the task is, we can make a difference by bringing communities and people together to clean up beaches. Proof of this are organizations and individuals coming together at the Baywalk Dolomite Beach,” pahayag ni de Villa.

 

 

Read more...