Bilang ng nasawi sa Bagyong Karding, umabot na sa 12

Photo credit: Brgy. Govt. of Kamias, San Miguel Bulacan

Umakyat na sa 12 katao ang nasawi dahil sa pananalasa ng Bagyong Karding.

Ayon sa talaan ng National Disaster Risk Reduction and Management Council, anim katao naman ang nawawala at patuloy na pinaghahanap ng search and rescue team.

Nasa 52 katao naman ang nasugatan at nilapatan na ng lunas.

Nasa 47,815 na displaced persons ang nanatili sa 27 na evacuation centers.

Nasa 56,916 na bahay naman ang iniwang sira ng bagyo.

Umabot naman sa P23.94 milyong halaga ng imprastraktura ang sinira ng bagyo.

Read more...